Patay ang isang motorista matapos bumangga ang minamaneho nitong motor sa truck sa Barangay San Manuel, bandang ala una ng madaling araw kanina.

Kinilala ang 30 taong gulang na biktima na si Nathaniel Hilario habang ang driver naman ng truck ay si Christopher Magsino Serna, 33 taong gulang.  

Ayon sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Palawan News, galing ng Brgy. San Jose ang truck na tumatahak sa national highway papuntang Brgy. San Manuel, habang galing naman ng city proper ang motor.

Pagliko ng truck sa Dacanay Road 1 ay bigla na lamang bumangga sa rear bumper nito ang Yamaha MY15 na minamaneho ng biktima.

Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala ang biktima na naging sanhi ng pagkasawi nito.

Agad naman umanong sumuko ang driver ng truck sa mga tauhan ng PNP City Police Station. 

About Post Author

Previous articlePalawan News to receive support from Google
Next articleUS VP Kamala Harris to board PCG’s BRP Teresa Magbanua patrolling WPS
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.