Isang lalaki ang nasawi matapos na madisgrasya ang sinasakyan nitong pampasaherong van sa South National Highway sa lugar na sakop ng Barangay Santa Lucia, Puerto Princesa City, dakong 2:57 ng hapon ngayong Sabado, Mayo 28.

Ang biktima ay kinilalang si Bernardito N. Rosero, Sr. sa report ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO).

Ayon sa PPCPO, nawalan ng control sa manibela ang driver ng shuttle van dahil sa madulas ang kalsada dulot ng malakas na pag-ulan na nagresulta sa aksidente at agarang pagkasawi ng biktima.

Kinilala naman ang driver ng nasabing shuttle van na si Cris Aralar Alcosaba, 39, na ngayon ay posibleng maharap sa kasong reckless driving.

- Advertisement -

Previous articleIATF retains Puerto Princesa City under Alert Level 1 status from June 1-15
Next articleCloudy skies, rainfall expected over Palawan due to habagat; LPA to enter PAR Sunday
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.