Isang lalaki ang nasawi matapos na pagtatagain ng kanyang pamangkin sa Barangay Apoc-Apoc sa bayan ng Aborlan dakong 9:26 ng gabi nitong Miyerkulea, Marso 2.

Ang biktima ay kinilalang si Roberto Makcometa Labado, 57 taong gulang, habang ang suspek naman ay kinilalang si Oliver Labado Alabado alyas “Mon-Mon,” 23 taong gulang, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Sa panayam ng Palawan News kay P/Maj. Roel Tattao, hepe ng Aborlan Municipal Police Station (MPS), base sa kanilang isinagawang imbestigasyon nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa, dahilan upang puntahan ng suspek ang kanyang tiyuhin sa bahay nito dala ang itak na ginamit nito sa pananaga. Dagdag ni Tattao, posibleng may galit ang suspek sa kanyang tiyuhin at maaring pinagplanuhan nito ang ginawang krimen.

“Sinundan niya, tapos, ginawa niya ng pananaga sa madilim na area ng daan. Kung makikita mo ‘yung tinumbahan ng biktima, nasa 100 meters na lang sa bahay niya. Ang ginamit niyang itak ay mahaba,” pahayag ni Tattao.

- Advertisement -

Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima na naging dahilan ng pagbagsak nito, saka muling pinagtataga ng suspek sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng agaran nitong ikinasawi.

Matapos ang pananaga ay tinapon ng suspek ang ginamit na itak sa loob ng isang bakuran malapit sa pinangyarihan ng krimen ngunit narekober din ito ng mga rumespondeng pulis.

“Pag-report sa amin, nagpadala agad kami ng tao doon para kumpirmahin. Naabutan na namin ang biktima na nakahandusay na sa lupa. Inaresto na din agad ang suspek,” ani Tattao.

Dagdag pa ni Tattao, bago ang pananaga ay may ilang residente baranggay ng nagsabi na may ginawa itong panununog ito sa lugar.

“Sa pagtatanong din namin, maraming nagsabi na dati nagsunog na ‘yan siya dito sa kanilang lugar,” aniya.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya na ng Aborlan MPS habang inihahanda ang pagsampa ng kasong murder sa pamamagitan ng inquest proceedings laban sa suspek.

Previous articleEl Nido tourism gradually recovers
Next articlePageant organizer denies allegations raised by former titlist
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.