Isang lalaki ang nasawi matapos mabundol ng isang mixer truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tinagong Dagat, Narra, bandang tanghali, araw ng Miyerkules, October 13.

Kinilala sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPO) ang biktima na si Fortunato Loriban Famoso Jr., 45 taong gulang, at residente ng nasabing bayan. Ang driver naman ng mixer truck ay pinangalanan na si Orlan Doletin Gillesania, 36 taong gulang, at residente ng Brgy. Pulot Center, Sofroñio Española.

Base sa imbestigasyon ng Narra Municipal Police Station (MPS), binabagtas ng mixer truck ang kahabaaan ng national highway mula Sur patungo sa direksyon ng Norte nang biglang tumakbo pasalubong dito mula sa kaliwang gilid ng kalsada ang biktimang si Famoso na naging sanhi pagkasawi nito.

Ilang saksi sa pangyayari din ang nakapagsabi na posibleng sinadya ng biktima na magpasagasa sa nasabing truck.

- Advertisement -

Naunang dinala ng mga rumespondeng tauhan ng Narra Emergency Response Unit sa Rural Health Unit si Famoso bago ito dinala sa punerarya kung saan nakaburol ngayon ang labi nito.

Nakaburol na ang labi ngayon ng biktima, na naunang dinala pa sa Narra Emergency Response Unit (NERU) to Narra Rural Health Office. Habang dinala naman sa Narra MPS ang Mixer truck.

Kaugnay nito, ilang saksi ang nagsabi na posibleng sinadya ng biktima ang magpasagasa sa naturang sasakyan, na iniimbetigahan na din ng Narra MPS.

Previous articlePAGASA raises gale warning over Palawan western coast
Next articleNBI-Palawan agents detain couple for adultery after woman’s husband files complaint
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.