Nakuha sa lugar ng insidente ang tatlong basyo ng bala at isang deformed slug ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril. (Larawan mula sa PPO)

Isang lalaki ang maswerteng nakaligtas matapos pagbabarilin ng kaniyang tiyuhin sa Purok Bagong Silang, Barangay Calawag sa bayan ng Taytay, Sabado ng umaga, Disyembre 11.

Ang biktima ay kinilalang si Abelino Gamarcha Gagante, 47 taong gulang, habang ang suspek na tiyuhin nito ay kinilallang si Eduardo Fernandez Gagante, alyas Angek, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station (MPS), maswerteng nakapagkubli ang biktima matapos na tatlong beses paputukan ng baril ng kanyang tiyuhin, habang mabilis na nakatakbo naman ang pamilya nito sa bahay ng kanilang kamag-anak.

Nakuha sa lugar ng insidente ang tatlong basyo ng bala at isang deformed slug ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril. (Larawan mula sa PPO)

Nilapitan pa ng suspek ang biktima upang muli sanang barilin subalit hindi pa rin pumutok ang kanyang baril kaya tumakas na lamang ito sakay ng kanyang motorsiklo.

- Advertisement -

Dagdag ng Taytay MPS, bago pa man ang insidente ng pamamaril ay naunang sinugod ng pamangkin ang kanyang tiyuhin at kinompronta noong Biyernes (Disyembre 10) ng gabi na posibleng nag-udyok sa huli na barilin ang biktima kinabukasan.

Nakuha sa lugar ng insidente ang tatlong basyo ng bala at isang deformed slug ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Ayon naman kay punong barangay Roberto V. Rodriguez ng Brgy. Calawag , matagal na panahon na ang away ng dalawa na magkapit-bahay lamang.

“Ilang beses na silang paulit-ulit na nag-aaway, pabalik-balik sa barangay at naaayos naman. Ang problema lang nila ay ang boundary ng bakod at saka mga tanim katulad ng mga niyog. Away pamilya lang yan, nagsimula sa kanila, tapos hanggang pati mga asawa nakisali na, pati mga anak,” pahayag ni Rodriguez.

Dagdag ni Rodriguez, patuloy ang pag-uusap sa pagitan ng dalawang partido, para sa posibleng pag-aayos ng pamilya.

“Matagal na rin na pinapayo sa kanila na dapat isa sa kanilla ang umalis na lang sa lugar kasi di matatapos ang away nila na yan, maraming taon na kasi yang away na yan, at ang pamamaril na yan inaasahan na namin yan,” paliwanag ni Rodriguez.

“Ang impormasyon natin, may isang aalis na at lalayo sa kanila, magkamag-anak naman yan, magkakaayos yan,” dagdag niya.

Previous articleFemale rebel surrenders following Roxas encounter
Next articleSB19 learns basic hand drumming lessons from local group Kawangis ng Tribu
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.