Sep 28, 2020

Lalaki nahulihan ng droga sa sariling bahay

Kinilala ang suspek na si Raniel Obligar Belarmino, 40, residente ng nasabing lugar.

Isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos makunan ng siyam na sachet ng shabu sa tahanan nito sa Purok Dancing Lady, Barangay Alfonso XIII, bayan ng Quezon, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Raniel Obligar Belarmino, 40, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay P/Maj. Lodell Lota, hepe ng Quezon Municipal Police Station (MPS) nahuli ang suspek sa bisa ng isang search warrant.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry