Nahaharap sa reklamong qualified trespassing to dwelling ang isang lalaki sa Barangay Port Barton, San Vicente, matapos nitong pasukin ang bahay ng kanyang nakaalitan sa Sitio Pamuayan, alas dos ng hapon noong Mayo 9.

Ayon sa spot report na inilabas ng Police Provincial Office (PPO) sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos, kinilala ang biktima na sila Randy Austria Morales, Florentino Casencia, Merlito Daaco Llamera, at Anderson Viscara, kapwa mga residente ng nasabaing lugar. Habang ang suspek naman ay kinilalang si Efren Dorado Maghirang.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng San Vicente Municipal Police Station (MPS) na bago ang insidente, nagkaroon nang alitan ang biktima at suspek.

Dumating ang suspek sa lugar at kinompronta ang mga biktima sa loob ng bakuran ng isa sa mga biktima. Ayon pa sa imbestigasyon ng San Vicente MPS, bumunot din umano ang suspek ng baril, at kinuha ang cellphone ni Morales at Viscara nang makitang kumukuha ang mga ito ng video.

- Advertisement -

Bago pa umalis ang suspek sa lugar, sinakal pa umano nito ang biktimang si Casencia.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pangyayari habang isinusulat ang balitang ito.

Previous articlePrevailing ITCZ to deliver rain to Mindanao and Palawan
Next articleCrowd estimates at campaign rallies ‘bad’ basis for poll outcomes
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.