Isang lalaki na wanted sa batas ang inaresto nang pinagsanib na puwersa ng pulisya sa pangunguna ng Aborlan Municipal Police Station (MPS) at Sofronio EspaƱola MPS sa Sitio Tacing, Barangay Poblacion, sa bayan ng Aborlan noong araw ng Miyerkules, October 20.

Ang suspek na kinilalang si Bruce Lee Tariao, 33 taong gulang, at residente ng nabanggit na lugar ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng Branch 47 ng Regional Trial Court (RTC) na may petsang September 8, 2021 para sa kasong two counts of rape at walang nakalaang piyansa.

Samantala sa bayan ng Cuyo, isang lalaki ang inaresto dahil sa pananaksak. Ang kanyang biktima ay nagtamo ng sugat matapos umano niyang saksakin dahil nakaalitan sa Barangay Manamoc, dakong 3:00 ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Ricky Sombesi Pritos, 29 taong gulang, samantalang ang suspek naman ay kinilalang si Esmael Cabilinya Lopez, 57 taong gulang, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Cuyo MPS, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa panununtok ni Pritos kay Lopez.

Pagkatapos nito ay umuwi si Lopez at pagbalik ay may dala na itong gulok at bigla na lamang nitong sinaksak si Pritos sa tagiliran.

Dinala ang biktima sa Agutaya Rural Health Unit upang bigyan ng pangunang lunas ang natamong sugat at kalaunan ay inilipat sa Cuyo District Hospital para sa karagdagang medikal na atensyon.

Agad namang naaresto ng rumespondeng tanod at opisyal ng barangay ang supsek at nakumpiska ang ginamit na itak sa pananaksak, saka isinalin sa pangangalaga ng operatiba ng Cuyo MPS.

Previous articleBrgy. Bancao-Bancao resident hurt in vehicular accident in Sofronio EspaƱola
Next articlePALECO explains delayed power return on October 17
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.