Isang high-value individual ang inaresto sa buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit (PDEU) dahil sa hinalang siya ay tulak ng droga sa Sitio Bukid-Bukid, Barangay Rio Tuba, Bataraza, bandang 9:30 noong Martes, Pebrero 8.

Kinilala ang supek na si Roteer Esparagoza Maximo, alyas “Roteer/Jefrey”, 33 taong gulang.

Maliban sa isang sachet na nabili sa supek ng undercover agent ng PDEU, nakuha din sa kanya ang isang envelope na naglalaman ng limang sachets pa ng pinaghihinalaan din na shabu, at P1,500 na halaga ng pera na ginamit bilang buy-bust money.

Sa kabuuan umaabot sa mahigit kumulang 0.65 grams ng pinaghihinalaang shabu na may halagang aabot sa P9,000.

- Advertisement -

Previous articleTrough of LPA outside PAR affecting Mindanao area
Next articlePalawan still among foreign tourist favorites
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.