Photo courtesy of Araceli MPS

Dinakip ng awtoridad sa Barangay Santo Niño sa bayan ng Araceli ang isang lalaki na nanakit ng menor de edad at nagbanta sa pamilya nito gamit ang itak at baril, bandang alas tres kahapon, Marso 27.

Ang suspek at kinilala ng Araceli Municipal Police Station (MPS) na si Arnel Bungar Pantinople, 43, habang ang biktima naman ang menor de edad na anak ni Louie Osoya Sanchez, 37.

Ayon kay P/Lt. Ramon Demaclid Jr., acting chief of police ng Araceli MPS, nag-responde sila sa sumbong ni Sanchez na sinaktan ni Pantinople ang menor de edad nitong anak sa mismong bahay nila sa nabanggit na lugar.

Pinagbantaan pa umano ni Pantinople ang kanilang pamilya gamit ang itak at baril.

- Advertisement -

“Sumugod daw doon at pinalo daw ang anak nilang lalaki na menor de edad,” pahayag ni Demaclid.

Sabi ni Demaclid, sa pagresponde ng kanilang operatiba, tinungo ang bahay ng suspek sa Purok 5, Barangay Lumacad, sa nasabing bayan para sana beripikahin ang reklamo. Ngunit parating pa lamang ang mga pulis ay nakita na ng mga ito ang baril nito na nakalagay sa labas ng bahay malapit sa pintuan.

Dahil dito, agad na inaresto ang suspek matapos na walang maipakitang dokumento ng baril, at pagkatapos ay dinala ito sa Araceli MPS.

“Ang reklamo sa amin ay (Republic Act) 7610 lang, dahil nga doon sa pananakit sa anak niya (Sanchez), pero noong nakitaan na natin siya ng baril sa bahay niya mismo, at wala siyang maipakitang dokumento, masasampahan siya ng kasong paglabag sa RA 10591 sa pamamagitan ng nquest proceedings. Tapos, since ‘yung allegedly pananakit sa anak, through regular filing, masasampahan siya ng paglabag sa RA 7610,” pahayag ni Demaclid.

Nakumpiska sa suspek ang cal. 22 rifle.

Previous articleLocal businessman Nomie Lagan seeks to challenge the electoral landscape of Brooke’s Point
Next articlePCG reports ‘close distance maneuver’ involving China Coast Guard vessel
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.