Larawan mula sa Puerto Princesa City Anti-Crime Task force (ACTF)

Isang lalaki ang inireklamo ng kanyang asawa sa Puerto Princesa City Police Station 1, matapos umanong saktan siya nito sa kanilang bahay sa Barangay Mandaragat, ala una ng madaling araw ngayong Biyernes, Hunyo 11.

Ang suspek ay kinilalang si Arbon Andrade, 31 taong gulang, na ayon sa report ng Puerto Princesa City Anti-Crime Task force (ACTF) ay madalas ang ginagawang pananakit sa kanyang misis.

Nang dumating ang rumespondeng tauhan ng ACTF ay natutulog na ang lalaki kaya ginising pa nila ito para dalhin sa Police Station 1 upang pormal na sampahan ng reklamo ng kanyang 28 taong gulang na asawa.

Previous article650 indibidwal sa San Vicente nakatanggap na ng pangalawang bakuna laban sa COVID-19
Next articleBusuanga reacts to COA audit findings
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.