Sep 29, 2020

Lalaki inaresto matapos manuntok sa Narra

Pinara ng mga nagbabantay na mga barangay volunteer ang suspek dahil sa pagmamaneho ng lasing at sa oras ng curfew, ngunit sa halip na sumunod ay tumakas ito at nadisgrasya.

NARRA, Palawan — Isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos manuntok ng isang barangay tanod sa bayan ng Narra, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Narra Municipal Police Station (MPS) ang lalaki na si Kevin Vergara Ramil, 19, empleyado ng Narra Water System at residente ng nasabing lugar. Kinilala naman ang barangay tanod na si Mariano Serqueña Laguerta, 51.

Ayon sa report na ipinadala ng istasyon sa Palawan News, pinara ng mga nagbabantay na mga barangay volunteer ang suspek dahil sa pagmamaneho ng lasing at sa oras ng curfew, ngunit sa halip na sumunod ay tumakas ito at nadisgrasya.

Matapos ang insidente, dinala ng mga barangay volunteer si Ramil sa barangay hall ngunit umalma ito at sinuntok si Laguerta.

Ayon kay P/Maj. Romerico Remo, sasampahan ng kasong direct assault upon an agent or person in authority ang suspek.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry