Nakumpiska mula sa kay Tenorio ang mga kahoy na may kabuuang sukat na 1,500 board feet at may estimated market value na P120,000.

Isang lalaki ang dinakip ng awtoridad matapos mahulihan ng iligal na pinutol na kahoy sa Barangay Pasadeña sa bayan ng El Nido, araw ng Martes, Nobyembre 9.

Ang suspek ay kinilalang si Allan Ustares Tenorio, 33 taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska mula sa kanya ang mga kahoy na may kabuuang sukat na 1,500 board feet at may estimated market value na P120,000.

Sa ulat ng El Nido Municipal Police Station, nagsagawa ng surveillance and casing operation ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) enforcement section at POP-PGD sa Sitio Loblob ng nasabing barangay at doon ay nakita ang iba’t ibang sulat ng mga Ipil lumber na nakaimbak sa tahanan ng suspek.

- Advertisement -

Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang El Nido MPS katuwang ang 23rd Marine Company ng Marine Battalion Landing Team-3 kung saan napag-alaman na ang mga kahoy ay pag-aari ni Tenorio.

Si Tenorio ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 samantalang ang mga nakumpiskang kahoy agad naman ibinigay sa kustodiya ng CENRO-El Nido.

Previous articlePanukalang walang ayuda kung hindi bakunado sa 4Ps, ipinaliwanag ng DILG
Next articleLegal for employers not to hire unvaccinated workers: Duterte
is the chief of correspondents of Palawan News. She covers defense, politics, tourism, health, and sports stories. She loves to travel and explore different foods.