Huli sa akto ng pagbebenta ng ipinagbabawal na droga ang isang 44 taong gulang na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Roxas Municipal Police Station (MPS) sa Barangay IV, Roxas, kahapon, October 9.

Base sa report ng Palawan Police Provincial Office (PPO), nabili sa suspek na nakilalang si Isidro Micina Cabate, alyas “Caldo”, ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P1,000.

Nakuha sa kanya ang dalawa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may mga bigat na 0.020 grams at 0.017 grams na tinatayang nagkakahalaga na aabot sa P2,000.

Nakumpiska rin sa suspek ang buy-bust money, 2 pakete ng sigarilyo, at isang cellphone.

Kakaharapin ni Cabate ang kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of the Philippines.

About Post Author

Previous articleMga wanted sa kasong pananakit at pagnanakaw, arestado sa Palawan
Next articleCapitol holds modified course on oil spill assessment and response training
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.