Ang biktima na si Sapit Agnat Tambilog na binaril ng kaniyang pamangkin dahil sa away sa lupa.

Agad na isinugod sa pagamutan ang 47 taong gulang na si Sapit Agnat Tambilog matapos na barilin ng pamangkin niya dahil sa away sa lupa sa Sitio Canapnapan, Barangay Catagupan sa bayan ng Balabac, araw ng Biyernes, Hulyo 30.

Ang suspek ay kinilalang si Jokie Agnat Tambilog, 25, na ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad matapos diumanong tumakas pagkatapos ng krimen.

Sa report ng Palawan Police Provincial Office (PPPO), ang biktima ay nanggaling sa kapit-bahay nito kasama ang kanyang asawa at pauwi na nang biglang lumabas mula sa magubat na lugar ang suspek at binaril ang kanyang tiyuhin na tinamaan sa tiyan.

“Ayon sa imbestigasyon ng pulis natin sa Balabac, away sa lupa ang dahilan kaya binaril ng suspek ang kanyang tiyuhin,” pahayag ni P/Major Ric Ramos, tagapagsalita ng PPPO.

- Advertisement -

Previous articleAHP launches new health-oriented program
Next articleMagsasaka inaresto dahil sa madalas na pagpapaputok ng baril
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.