Ang suspek sa sextortion na si Lando at ang kanyang biktima na si Ana. | Photo by Palawan News

(WARNING: This story has sensitive content. Readers should exercise caution.)

Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Palawan ang isang lalaki dahil sa reklamong sextortion sa isinagawang entrapment operation sa isang lodging house sa BM Road sa Brgy. San Pedro, Puerto Princesa, kaninang 10:33 ng umaga.

Huli ang 32 taong gulang na si alyas “Lando”, may asawa, at residente ng Brgy. Bancao-Bancao, umaga ng January 7, sa lodging house sa BM Road kung saan niya pinapunta diumano ang kanyang biktima na si alyas “Ana” na dati niyang karelasyon.

Inireklamo siya sa NBI Palawan ni Ana nang pananakot na ilalabas ang kanyang mga maseselang larawan at kanilang sex videos kung hindi ito makikipagtalik sa kanya.

Ayon sa impormasyong nakalap ng Palawan News, nakilala ni Ana si Lando taong 2016 sa isang text clan. Nagsimula ang kanilang relasyon taong 2017 at nag live-in hanggang taong 2019.

Nalipat ng lugar ng trabaho si Ana kaya lumabo ang kanilang relasyon. Noong 2021 nang magpakasal si Lando sa iba, ngunit hindi natapos ang pananakot nito sa biktima.

Bago mag pasko ay umuwi ng Palawan si Ana para magbakasyon. Muli siyang kinontak ni Lando para makipagkita sa kanya sa lodging house sa BM Road kung saan siya naaaresto ng mga agent ng NBI.

Sa salaysay ng biktima sa Palawan News, kinumbinsi siya ng kapatid na magsampa ng reklamo sa NBI para matigil ang ginagawa ni Lando.

“During nang pananakot niya sa akin, nahihirapan po ako makapag focus sa trabaho. Nate-tense ako kapag may nagno-notify sa cellphone ko,” ayon kay Ana na nagsabi rin na hindi na siya nakakatulog ng maayos.

About Post Author

Previous articleCity police backs DILG’s call for ranking PNP officials to resign
Next article21 cruise ships scheduled to dock in city port after crippling pandemic
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.