Ang suspek ay itinuturong sangkot sa away ng ilang kabataan sa bayan ng El Nido noong taong 2018.

Isang lalaking wanted sa batas ang inaresto ng awtoridad sa Purok Magsasaka, Barangay Mangingisda, Lungsod ng Puerto Princesa, 11:30 ng umaga ngayong araw nang Lunes, Agosto 23.

Ang suspek ay kinilalang si Francisco Latube Saavedra, 24 taong gulang.

Si Saavedra ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Anna Leah Y. Tiongson-Mendoza ng Regional  Trial Court Branch 164 ng Roxas, Palawan na may petsang March 12, 2021, para sa kasong attempted murder at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P120,000.

Ang suspek ay itinuturong sangkot sa away ng ilang kabataan sa bayan ng El Nido noong taong 2018.

- Advertisement -

“July 2018 nagkaroon ng gulo sa Las Cabañas sa El Nido kung saan, kasama siya siya sa trouble ng mga kabataan,” pahayag ni P/Lt. Doughlas Sabando ng Police Station 1.

Previous articleMore ETFs in the Philippines
Next articleTatlong wanted sa batas nadakip ng awtoridad sa Puerto Princesa
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.