Arestado ang isang lalaki matapos makitaan at makumpiskahan siya ng baril at mga bala sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Gadsan, Barangay Rio Tuba sa bayan ng Bataraza, noong Huwebes, Disyembre 9.

Kinilala ang suspek na si Glecerio Urdaneta Caballero, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Palawan, nauna ng may intelligence report silang natatanggap na madalas nagbibitbit ng baril si Caballero.

Nakuha sa kanyang kuwarto ng ang isang Glock 17 Gen 4 historia 9mm pistol, dalawang magazine ng 9mm, 19 na bala, at 25 bala ng 12-gauge shotgun na nakalagay sa isang sling bag.

- Advertisement -

Ang pagpasok at paghalughog sa bahay ni Caballero ay sa bisa na din ng search warrant na ibinaba ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng Branch 165, Regional Trial Court (RTC) ng Brookes Point, Palawan.

Ayon sa hepe ng CIDG na si P/Maj. John Macachor, mayroong dokumento ang baril, ngunit hindi ito nakapangalan sa Caballero.

“Sabi niya sinangla lang sa kanya. Hindi nakapangalan sa kanya, pero may license ang baril,” pahayag ni Macachor.

Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Previous articleSuspek sa kasong illegal logging, naaresto sa Puerto Princesa
Next articleBalabac LGU, prov’t gov’t nagsagawa ng konsultasyon para sa pagbubukas ng turismo
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.