Ang suspek ay kinilalang si John Rey Gonzaga Casiano, 29 taong gulang, at residente ng Sitio Itabiak, Brgy. Dumarao ng nasabing bayan. (Larawan mula sa PPO)

Isang lalaki ang dinakip ng awtoridad matapos na mahulihan ng anim na piraso ng tablang Ipil sa Gabarda Road, Barangay New Barbacan, sa bayan ng Roxas, dakong 8:30 nang gabi nitong Martes, Enero 18.

Ang suspek ay kinilalang si John Rey Gonzaga Casiano, 29 taong gulang, at residente ng Sitio Itabiak, Brgy. Dumarao ng nasabing bayan.

Ayon sa Roxas Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng tawag tungkol sa isang topdown tricycle na naaksidente sa lugar at agad itong nirespondehan ng kanilang operatiba.

Naabutan ng pulisya ang nabanggit na sasakyan na nahulog sa gilid ng kalsada sakay ang mga kahoy at matapos na hanapan ng kaukulang dokumento ay walang naipakita ang suspek na driver ng topdown.

- Advertisement -

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Roxas MPS ang mga kahoy at ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705.

Previous articleMaputik at baku-bakong kalsada sa Brgy. Pulot Shore sa Sofronio Española inireklamo ng mga residente
Next articleThe Next Wave: Netflix unveils Korean line-up for 2022
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.