Isang lalaking itinuturong miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang dinakip ng mga personnel ng Puerto Princesa City Police Station 2 matapos mahulihan ng tatlong home-made shotguns, Sabado, ika-1 ng Pebrero sa sa Sitio Tagbarungis, Barangay Inagawan Sub.

Kinilala ng mga awtoridad ang hinihinalang MNLF commander na si Jonathan Totesura, 64, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay P/Capt. Alevic Rentino, commander ng Police Station 2, may isang concerned citizen ang nag-ulat sa kanilang opisina na si Totesura ay madalas makitang may dala-dalang baril. Nangangamba ang concerned citizen sa kanilang kaligtasan kaya’t nag-ulat ito sa kinauukulan.

Nagsagawa sila ng surveillance upang mapatunayan na ito ay may mga home-made shotguns at matapos makumpirma agad silang humingi ng search warrant para isagawa ang operasyon.

Habang nasa operasyon, bumungad sa kanila ang isang tarpaulin na may nakalagay na pangalan ng suspek na nagsasaad ng ranggo nito bilang “battalion commander” ng MNLF.

“Sa pag-apply namin ng warrant hindi pa rin namin alam na siya ay isang MNLF. Noong pagpasok namin sa bahay niya, may nagbungad sa amin na tarpaulin na nakalagay ang pangalan niya at nakalagay doon na siya ay battalion commander ng MNLF. Base rin sa ID na ipinakita niya sa amin, MNLF ID rin ang ipinakita niya, siya naman ay hindi Muslim. Usually kasi, kapag MNLF ay Muslim pero siya ay native from Ilo-Ilo,” saad ni Rentino.

Dagdag pa ni Rentino, ang paliwanag ni Totesura, ginagamit lamang niya ang baril panakot at pangbaril sa mga baboy ramo na napapadpad sa kanilang lugar.

Pinaliwanagan pa rin ni Rentino si Totesura na kailangan pa ring may hawak na permit sa paggamit ng baril.

 

About Post Author

Previous articleSan Vicente gears up for anti-coronavirus measures
Next articleIwahig penal facility temporary bans foreign tourists due to 2019-nCoV
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.