Suwerteng nakaligtas sa pananaga ng hindi nakikilalang suspek ang isang 27 taong gulang na laborer noong gabi ng November 30 habang papauwi ito kasama ang tatlo pa mula sa Barangay Cabigaan sa bayan ng Aborlan.

Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office (PPO), nangyari ang pananaga sa biktima na si Noriel Ondam, 27, bandang alas otso ng gabi ng Miyerkules, habang papauwi ito at ang mga kasama mula sa dinaluhan na pagtitipon sa naturang barangay.


Ayon sa imbestigasyon, habang sakay sila Ondam ng topdown tricycle na minamaneho ng isang nagngangalang Christopher Hermoso pauwi sa Brgy. Sagpangan kung saan sila nakatira, mayroong dalawang motorsiklo na humarang sa kanila sa kalsada ngunit sila ay nakalusot.


Bunga nito, sinundan sila ng dalawang motorsiklo kung saan ang isang backrider ay may dalang itak na ipinantaga kay Ondam ng ilang beses ng maabutan sila. Tinamaan ang biktima sa kanang bahagi ng braso, at pagkatapos ay tumakas na ang mga sakay ng dalawang motor palayo sa lugar sa Cabigaan.

Dinala si Ondam sa Aborlan Medicare Hospital ng kanyang mga kasama para sa agarang gamutan. Narekober ng mga pulis ang isang itak na may habang 22 inches sa lugar kung saan tinaga ang biktima.

Habang isinusulat ang balitang ito ay mayroon nang inilunsad na hot pursuit operation para mahuli ang mga suspek, at imbestigasyon kung ano ang motibo sa pananaga.

About Post Author

Previous articleNasa 36 scholars ng Palawan gov’t sa midwifery, pumasa sa licensure exam
Next articleLTO warns doctors, clinics to stop “no show” activities or risk closure
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.