Ang mga hand tractors na ipinamahagi sa mga farm organizations sa Sofronio Española

Nakatanggap ang 11 na mga farmers organization sa bayan ng Sofronio Española ng hand tractors noong araw ng Miyerkules, September 29.

Ang 11 hand tractors ay isinalin sa pangangalaga at pangangasiwa ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa pamamagitan ng libreng farm support sa mga magsasaka ng palay mula sa Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Funds (RCEF) program.

Ayon kay Jojo Supe, Municipal Agriculturist, layon nitong mabigyan ng mga makinarya ang mga organisayson ng magsasaka sa bayan upang mas makatipid sa gastusin at hindi na kailangan pang mag-renta ng kagamitan mula sa mga pribadong nagmamayari.

Bilang regulasyon ng asosasyon dito, binibigyan ng pagkakataon ang kanilang mga miyembro na makahiram ng handtractor ng libre at tanging ang fuel na lamang ang kanilang gagastusan.

- Advertisement -

Ngayong buwan ng Oktubre, kasalukuyang nasa second cropping season na ang mga magsasaka sa bayan ng Sofronio Española at wala namang naiulat na problema ang MAO sa kakulangan ng suplay ng tubig sa mga basakan.

“Maganda at sapat ang supply ng tubig natin ngayong cropping season. Maganda ang pananim ng ating mga farmers ngayong Setembre to December kaya tuloy-tuloy ang pagtatanim nila ng palay,” Pahayag ni Supe, Lunes, October 4.

Dagdag niya, ang buwan ng Setyembre ay tag-ulan na at mas nakatulong ito sa mga magsasaka na magsimula nang maghanda ng kanilang mga basakan.

Previous articleNIA Palawan to fast-track development of Bagong Bayan irrigation project in El Nido
Next articleDalawang wanted sa batas nadakip ng awtoridad sa Taytay at Brooke’s Point
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.