Tatlong magkakasunod na aksidente sa kalsada ang naganap sa tatlong munisipyo sa lalawigan nitong nakalipas na mga araw na Sabado at Linggo, kung saan 12 katao, kabilang dalawang menor de edad, ang nasaktan.

Naganap ang unang aksidente Sabado ng umaga, August 21, sa Barangay San Miguel sa bayan ng Roxas, na kinasangkutan ng isang Toyota Land Cruiser na minamaneho ni Joel Periabras Regori, 51 taong gulang, at sakay na sina Carlos Rebollos, 56; Samuel Andes, 35; kapwa residente ng Barangay San Miguel; Rodolfo Pilapil, 75, na residente ng  Barangay Tiniguiban, at isang 11 taong gulang na menor de edad.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa manibela ng minamanehong sasakyan si Regori na naging dahilan ng pagkahulog at pagtagilid nito sa isang bakanteng lote sa tabi ng kalsada.

Agad namang naisugod sa pagamutan sa nasabing bayan ang lima at hindi kalaunan, isa sa mga ito ay dinala sa Lungsod ng Puerto Princesa para sa karagdagang medikal na atensyon dahil sa matinding pinsala na natamo.

- Advertisement -

Kinahapunan ay dalawang motorsiklo ang nagbanggaan sa Brgy. Princess Urduja sa bayan ng Narra kung saan, sangkot ang 32 taong gulang na si David Alcantara, si Antonio Baloloy, 40 taong gulang, at isang apat na taong gulang na bata.

Sa report ng Narra Municipal Police Station (MPS), nagmula sa Brgy. Teresa si Alcantara sakay ng kanyang Motorstar 155 na motorsiklo, habang si Baloloy at ang angkas niyang bata sakay ng Yamaha YEX 125 ay nanggaling sa bayan ng Bataraza patungo sa Brgy. Sandoval sa Narra nang maganap ang aksidente kung saan nabangga ni Baloloy si Alcantara na noon ay papaliko na sana.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima sa nasabing bayan upang malapatan ng lunas.

Linggo nang gabi, August 23, naganap ang ikatlong aksidente kung saan dalawang motorsiklo rin ang nagbanggaan sa national highway sa Sitio Underground 2, Brgy. Alfonso XIII sa bayan ng Quezon.

Kinilala ang mga sangkot na sina Joey Amarante Lambating, 34, sakay ng kanyang  Honda TMX 125, at Bienvenido Baluran at dalawang angkas nito.

Sa ulat ng Quezon MPS, walang headlight ang motorsiklo ni Lambating, habang lasing naman ang mga kasalubong nito. Agad namang dinala sa pagamutan sa nasabing bayan ang mga biktima para sa karampatang medikal na atensyon.

Previous articleDENR moves to protect Mt. Mantalingahan, dev’t of $5.5 billion resources with land use plan
Next articleMore ETFs in the Philippines
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.