Ang baybayin sa Brgy. Concepcion, Puerto Princesa, kung saan natagpuan ang kalansay ng tao. (Larawan mula kay Rod Angeles)

Natagpuan ng mga residente ng Barangay Concepcion sa bahaging norte ng Puerto Princesa ang ilang piraso ng buto at bungo ng tao sa baybayin ng isang resort dakong 3:00 ng hapon ngayong araw ng Sabado, Pebrero 19.

Ayon kay kapitan Job Francisco, nangunguha ng kahoy sa tabing-dagat ang mga residente nang makita nila ang piraso ng kalansay. Dagdag niya, posibleng babae ito na naging biktima ng bagyong Odette na tumama noong Disyembre ng nakalipas na taon.

“Marami kasing nawalan ng bahay noong bagyong Odette, kaya ang mga tao doon sa aplaya, naglilinis at saka nagtitistis ng mga kahoy para gamitin sa paggawa ng bahay, tapos nakita nila ‘yun,” pahayag ni Francisco.

Posibleng ang mga kalansay at bungo na ito ay sa isang babae na naging biktima ng bagyong Odette. (Larawan mula kay Rod Angeles)

Aniya, posibleng napadpad lamang ang katawan sa baybayin at natakpan na lang ito ng buhangin

“Noong bagyong Odette, walang reported sa amin na nawawala, pati na rin sa mga kalapit na barangay kaya ang iniisip namin diyan ay posibleng napadpad lang ng alon yan dito at natakpan ng buhangin at mga basura,” paliwanag niya.

Agad namang pinuntahan ng pulisya ang lugar para magsagawa ng imbestigasyon.

About Post Author

Previous articleCity gov’t assures support to vegetable farmers in Brgy. Inagawan
Next articleDalawang lalaki sugatan sa aksidente sa Brgy. San Jose
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.