No Images found.

Labi ng nawalang lalaki sa Aborlan, natagpuan na

Katawan ni Ruel Subosa na natagpuan malapit sa Sombrero Island.

Natagpuan na ang katawan ng 42 anyos na si Ruel Subosa na nawala habang patungo sa Sombrero Island para mag-picnic sa gitna ng masamang panahon noong Pebrero 19.

Ayon sa Coast Guard District Palawan (CGDPal), kasama ang grupo ng search and rescue operation, nakuha ang katawan ng biktima na palutang-lutang malapit sa Sombrero Island, 1:40 ng hapon ng Pebrero 23.

“11:30 ng umaga ng i-report ng isang Juvinal Josol ng Bantay Palawan sa PCG-Narra na nakita ang katawang lumulutang, approximately seven nautical miles sa hilagang-silangang bahagi ng Sombrero Island,,” ayon sa CGDPal.

Noong Pebrero 19 ay naunang nailigtas ng search and rescue team ng Coast Guard ang tatlong kaibigan ng biktima na kinilalang sina Teodoro Gresones, 52 , Prince Duran, 39, at Joselito Sabanes.

Patungo ang apat sa nabanggit na isla para sa picnic ngunit sa kasamaang palad ay lumubog ang sinasakyan nilang bangka at sila ay nagkahiwa-hiwalay.

Natagpuan sina Gresones at Duran bandang alas otse ng umaga noong Pebrero 20 malapit sa lumubog na bangkang sinakyan ng mga ito sa karagatang sakop ng Barangay Tigman, Aborlan. Si Sabanes naman na natangay ng alon sa baybayin ng Brgy. Tinagong Dagat sa bayan ng Narra ay natagpuan 8:30 ng parehong petsa. Ang tatlo ay nasa maayos na kalagayan  sa kasalukuyan.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry