BROOKE’S POINT, Palawan — Matapos ang unang apat na araw nang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa darating na eleksyon sa May 2022 ay mayroon pa lamang dalawang kandidato ang tatakbo bilang mayor sa bayan na ito.

Noong araw ng Biyernes, October 1, unang araw nang filing ng COC ay agad na naghain si incumbent board member Cesario Benedito Jr. ng kandidatura. Kasama niyang naghain ng COC na tatakbo naman bilang vice mayor ang suspendidong punong ehekutibo ng bayan na si Atty. Mary Jean Feliciano, at ang kanilang line up para sa Sangguniang Bayan.

Ang mga ito ay kinabibilangan nina Kiel Rodriguez, anak ni kasalukuyang Board Member Eduardo Modesto Rodriguez, Neo Maestrecampo, Jimart Naingue, Tad Balean, Sarah Jane Crespo-Abon, Victor Colili, Jonathan Lagrada, at Sotero Malong.

Noong araw naman ng Sabado, October 2, ay naghain din ng kanyang kandidatura sa pagka-mayor si board member Sharon Abiog-Onda sa pamamagitan ng kanyang kapatid dahil hindi umano ito makapag-file ng personal.

- Advertisement -

Sa ngayon ay patuloy pa ring nakaantabay ang Municipal Elections Office para sa mga nagnanais pang magsumite ng kanilang COC.

Ayon kay Mark Raymond Garduce, Election Officer III ng bayan, inaasahan nilang bago dumating ang deadline sa araw ng Biyernes, October 8, ay mayroon pang hahabol na para magsumite ng COC.

“Sa ngayon ay dalawa pa lang ang nakapag-file sa pagka-mayor. Maaring bago magtapos ang filing of candidacy ay mayroon pang mga magpafile” pahayag ni Garduce.

“Paalaala lang sa mga magfa-file ng COC na maximum of 10 lang ang pwedeng umakyat sa ating tanggapan para mapanatili ang social distancing. And ang 10 na iyon ay sila rin mismong mga kakandidato at kung mayroon man silang suporters ay doon na lamang sa baba” dagdag niya.

Previous articleTD Lannie now over Cuyo West pass, moving towards Calamian Islands
Next articleGirl killed in motorcycle accident in Sofronio Espańola
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.