Isang 50 taong gulang na lalaki sa Brgy. Calategas sa bayan ng Narra ang nasaksak ng kanyang 44 taong gulang na kapatid sa birthday party ng kapitbahay kung saan sila nagkita at nagkaroon nang pagtatalo kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO), sinaksak si Hernanie Talorong ng kanyang nakababatang kapatid na si Alvin Talorong nang sila ay magtalo bandang 5:30 a.m., February 3, sa pagdiriwang ng kaarawan ng kapitbahay.

Sinasabing habang nagtatalo ay kumuha ng plastic chair si Hernanie, at nang ihahampas na ito ay siya namang pagbunot ni Alvin ng kutsilyo at pagsaksak sa kanya.

Tinamaan ng saksak si Hernanie sa tiyan kaya ito ay dinala sa Narra Hospital, samantalang si Alvin ay tumalilis sa inaalam pang direksyon ng pulisya.

Hindi pa narerekober ang kutsilyo na ginamit sa pananaksak sa biktima.

Ang Narra police ay nagsasagawa na ng follow-up operation para maaaresto ang suspek.

About Post Author

Previous articlePSA promotes digitalization of civil registration via a review course
Next articleUnderground River celebrates World Wetlands Day