Agad na napigilan ang pagkalat ng sunog na tumupok bandang alas dos ng hapon noong Martes sa isang kuwarto sa bahay ng isang Rolando Siat sa Kalye Doña Juana sa Libis, Barangay San Pedro.

Ayon kay FO3 Mark Anthony Llacuna umabot sa P15,000 ang sinira ng apoy sa bahay ng mga Siat nang mangyari ang sunog.

Aniya, pagdating nila ay naapula na ang sunog ng mga tauhan ni Siat.

“Pagdating namin sa lugar wala ng sunog. Kasi may mga tauhan sila doon na nagtulong-tulong na mapatay agad ang apoy,” sabi ni Llacuna.

 

 

Wala sa bahay ang padre de pamilya ng bahay ng maganap ang sunog. Tinitingnang dahilan ng sunog ay ang electric burner na nasa loob ng kuwarto.

“Kuwarto kasi ng tatay yon, wala lang sa bahay, at umalis daw noong umaga,” saad pa nito.

“Sa ngayon ito pa lang ang ini- evaluate ko electrical ignition ang pinaka-term diyan. Puwedeng naging cause sa kanya ay nagkaroon ng short circuit, kasi ang AVR niya nasira tapos may octopus connection. Kasi kapag naka-octopus connection, ang cause nyan electrical overloading. Ang isa pa ay ang overheated electric appliance, ang burner nya maaari. kasi naka plug-in pa rin,” ayon pa kay Llacuna.

 

About Post Author

Previous articleCommunity volunteers bubuohin sa Punta Baja vs talamak na nakawan
Next articlePLDT cable break repairs in Palawan still ongoing
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.