Buhat-buhat ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Culion ang mga kulambo mula sa DOH-Mimaropa na ipinamahagi sa dalawang sitio sa Bgy. Carabao kamakailan. (Larawan mula sa LGU-Culion)
- Advertisement by Google -

Namahagi ng mga kulambo ang pamahalaang bayan ng Culion sa dalawang sitio ng Barangay De Carabao kamakailan.

Ang nasabing mga sitio ay ang Sitio Calatan at and Sitio Coring, kung saan ang bawat pamilya dito ay binigyan ng tig-isang set ng kulambo.

Ang pamamahagi nito ay sa ilalim ng Programang Malasakit sa pamumuno ni Mayor Viginia De Vera.

Ayon sa LGU-Culion, sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na Culion Municipality, ang paggamit ng kulambo ay mahalaga sa mga liblib na lugar upang maiwasan ang mga nakamamatay na sakit dulot ng mga insekto, tulad ng kagat ng lamok na nagdudulot ng dengue at malaria.

- Advertisement -

Prayoridad naman ng Programang Malasakit na matutukan ang kaligtasan ng mga mamamayan, lalo na ang mga malalayong lugar na mahirap maabot.

Pinasalamatan naman ng LGU-Culion ang Department of Health (DOH)-Mimaropa sa pamamagitan ni Rommel Howard R. Iway, na naging tulay upang mapagkalooban ang Culion ng mga kulambo. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleMunicipal crisis center ng Busuanga, pinasinayaan na
Next articleTime to restore death penalty vs. big-time traffickers: PNP