(File Photo)

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Isang kooperatiba sa bayang ito ang makakatanggap ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P250,000 mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa darating na araw ng Huwebes, October 21.

Ang INA Producers Cooperative ay nagsumite ng isang business proposal sa DOLE noong taong 2019 para sa kanilang coconut cooking oil processing at ngayong taon ay naaprubahan ito, ayon kay Linda Mamah, chairman ng kooperatiba.

“Sa [October] 21 po ia-award ito sa amin. Malaking tulong ito sa aming kooperatiba para lumago pa ang kabuhayan ng aming mga miyembro sa pamamagitan ng paggawa ng cooking oil at virgin coconut oil (VCO),” pahayag ni Mamah, Martes, October 19.

“Maipatupad din namin ang aming mission na maitaas ang kalidad ng produkto at maparami ang trabaho ng samahan na mayroong layuning mai-angat ang kabuhayan ng bawat miyembro sa pamamagitan ng maunlad na negosyo, katuwang ng kumunidad at ang LGU,” dagdag niya.

- Advertisement -

Umaasa rin si Mamah na makatulong ang kanilang kooperatiba para magkaroon ng mababang presyo pero dr-kalidad na mantika sa lokal na merkado ng bayan.

“Kung magkakaroon po tayo ng sapat na cooking oil dito sa ating bayan, maaaring ibigay natin sa mga local buyers sa mababang halaga at makatulong tayo sa kumunidad,” aniya.

Previous articleRoad to herd immunity: PPC hits 32% vaxx rate
Next articleNGOs push for intensified promotion, enforcement of lead paint ban
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.