Posibleng magbukas na ng klase ang lahat ng pampublikong paaralan sa bayan ng Brooke’s Point para sa panuruang taon 2021-2022 sa darating na araw ng Huwebes, September 23, kung saan maaari nang kumuha ng modules ang mga estudyante.

Ang pagbubukas ng klase ay pansamantalang naantala matapos na isailalim ang bayan sa General Community Quarantine (GCQ) status noong September 8 na magtatagal hanggang September 22. Ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase noong September 13, sa bisa ng Executive Order (EO) No. 32 na nilagdaan ni acting Mayor Georjalyn Quichon-Abarca noong September 10.

Ayon kay Mary Jane Virrey, North Brooke’s Point Schools District Supervisor, agad siyang nagpadala ng kopya ng EO sa lahat ng mga paaralan upang ikansela ang modules distribution.

“Tumalima tayo agad sa EO na ito at pinadala agad ng abiso sa lahat ng schools natin na cancelled muna ang pagbubukas ng klase sa at ang modules distribution and retrieval September 13 bilang pagsunod sa polisiya sa ilalim ng GCQ status,” pahayag ni Virrey, Lunes, September 20.

- Advertisement -

“Mahirap naman na ipagwalang-bahala natin ang kaligtasan ng mga magulang at mga bata at bilang pagsunod na rin sa polisiya ng MIATF,” dagdag niya.

Ayon kay Virrey, posibleng sa September 23 pagkatapos ng GCQ na magsisimula ang modules distribution.

“Pasensya muna sa lahat ng mga parents natin, health is our priority sa ngayon. Gamit naman natin ang ating mga RBI o Radio Based Instructions sa mga school for further announcement regarding sa distribution ng modules at iba pa,” paliwanag niya.

Previous articlePPC, Palawan SK leaders join digital environmental caravan
Next articleMegaworld eyes P40B investment to develop 462 hectares of property in San Vicente
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.