Nanawagan ang Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa mga netizens na maging maingat sa mga pinopost sa social media na maaaring magdulot ng takot at pangamba sa taumbayan.

Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon ng Police Station 2 (PS 2) na hindi totoo ang naibalitang muntik na pagkakakidnap ng isang dalaga kahapon, August 9, sa Brgy. Bacungan.

“Ang report sa [insidente sa] bacungan ay hindi po totoo. Pinuntahan po yan ng Police Station 2 to verify the veracity of the report pero it turned out na hindi ito totoo,” pahayag ni P/Cpt. Maria Victoria Iquin, tagapagsalita ng PPCPO.

Hindi na nagbigay ng paliwanag si Iquin kung paano nila nalaman na hindi totoo ang naiulat na insidente at kumalat na rin sa Facebook.

“Huwag basta maniwala sa mga nababasa online o sa social media, ugaliing i-check ang source at unawain nang mabuti ang binasa bago mag-share at comment,” dagdag pa nito.

Nanawagan naman ang mga kapulisan na patuloy na ipagbigay alam sa kanila sakaling may kahinahinala o hindi magandang pangyayari.

Maaaring tawagan ang mga numero na nasa banner photo ng istorya na ito.


ADVERTISEMENT


Maging updated sa mga pabatid, anunsiyo at mga paalala mula sa PALECO!

Direkta ninyong matatanggap sa pamamagitan ng text message ang mga mensaheng nais ipaabot ng kooperatiba.

KAYA INAANYAYAHAN ANG LAHAT NG MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO) NG PALECO NA MAG-ENROL NA SA TEXT BLAST

Pindutin lamang ang link na nasa ibaba (Text Blast Enrolment) at sagutan ang ilang detalye na hinihingi.

https://forms.gle/MuB5HMgikQrmL9DZ8

About Post Author

Previous articleBLACKPINK announces Manila leg of ‘Born Pink’ World tour in 2023
Next article3rd quarter meeting at benchmarking ng mga local tourism officers isasagawa sa Cuyo
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.