Arestado ang isang lalaking nagnakaw ng cellphone ng isang estudyante habang naka-charge ito sa loob ng Catholic Church sa Barangay Poblacion, Aborlan, noong Huwebes, November 29.

Ang suspek ay kinilalang si Jemar Bahandi, 25, na ayon sa source ng Palawan News ay mahigit isang buwan pa lamang sa laya, matapos na makulong sa Iwahig Prison and Penal Farm dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Nahuli and suspek matapos itong mamataan ng isang concerned citizen sa poblacion. Bago ito nangyari, nakita pa umano ito sa palengke ng Aborlan madaling araw ng November 30 ng isang watchman. Naabutan nito ang suspek na nagcha-charge ng cellphone.

Tinanong din daw ng watchman ang lalaki kung ano ang ginagawa nito sa palaengke ng ganoon kaaga, kung saan sinagot siya nito na kinakailangan lang mag-charge ng kanyang cellphone na sa di kalaunan ay inalok na sa kanya na bilhin ito.

Isa pang cellphone din ang inilabas ni Bahandi mula sa kanyang bulsa at sinabi sa watchman na pa drain na din ang battery at kinakailangan na ring i-charge.

Hiniram ito ng watchman sa kanya para i-check, kung saan napansin nito na kapareho ito ng ninakaw na cellphone sa simbahan.

Agad nitong tinawagan ang tatay ng 11 anyos na batang may-ari ng selpon para sabihin ang nadiskubre at i-verify na din ang cellphone. Matapos ang kanilang pag uusap, binalikan ng watchman ang suspek, ngunit bigo na itong makita ito sa lugar.

Naibalik naman sa tatay ng bata ang cellphone nang dumating ito sa palengke at makumpirma nitong sa anak nga ang gamit dahil sa picture nito sa wall paper.

Sinampahan na ng kasong theft ang suspek.

Previous articleAño underscores civilian role in defending territories in WPS
Next articleDOT taps Michelle Dee as new tourism ambassador
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.