Iginawad ni Busuanga Municipal Information Officer Jonathan Dabuit at Busuanga Municipal Police Station chief P/Capt. Ervin Plando ang nasabing plake kay Abrera. (Larawan mula sa LGU Busuanga)

Isang plake ng pagkilala sa katapatan ang iginawad ng pamahalaang lokal ng Busuanga sa isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bayan ng Busuanga noong araw ng Lunes, Enero 24.

Ang parangal ay iginawad kay Gilbert Abrera, residente ng Barangay Sagrada bilang pagkilala sa ginawa niyang pagbalik sa may-ari ng nadampot niyang wallet na naglalaman ng mahigit P6,000 noong Disyembre 25 ng nakalipas na taon.

Iginawad ni Busuanga Municipal Information Officer Jonathan Dabuit at Busuanga Municipal Police Station chief P/Capt. Ervin Plando ang nasabing plake kay Abrera.

Ayon kay Mayor Elizabeth Cervantes, ang mga ganitong pagpapakita ng katapatan ay dapat na tularan ng iba.

- Advertisement -

“Kinikilala natin yong katapatan ni Abrera na isang magandang halimbawa ito para sa lahat na dapat tayong lahat ay maging matapat sa lahat ng bagay,” pahayag ni Cervantes.

Dagdag niya, marami na rin ang mga halimbawang katulad nito ang nabibigyan ng pagkilala dahil sa katapan na ginagawa nila sa kanilang bayan.

Previous articleDND inks P18.9-B BrahMos ramjet supersonic cruise missiles deal with Indian firm
Next articleFilipinos cope with COVID-19, as financial and mental health worries persist – Manulife survey
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.