Mayor Cesareo Benedito Jr. At Civil Service Director Rowena Cunanan kasama sina HRMO Luz Galicia para sa paghahanda sa darating na CSC examination sa bayan ng Brooke's Point. | PN photo

BROOKE’S POINT, Palawan — Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point ang gaganaping Civil Service Examination (CSE) sa darating na Marso 2023.

Ito ay matapos na makipagpulong nitong Lunes, November 7, ang pinuno ng Civil Service Commission (CSC) na si Director Rowena Cunanan kay Brooke’s Point Mayor Cesareo Benedito Jr. para sa pagsasagawa ng examination, o pagiging testing center, ng bayan para sa mga nagnanais kumuha ng CSE mula sa bahaging sur ng lalawigan.

Ito ang kauna unahang pagkakataon na magiging testing center ang nasabing bayan para sa CSE.

Ayon sa CSC, nasa mahigit 1,500 ang inaasahang magta-take ng CSE. Ang numero ay pinagsamang bilang ng subprofessional at professional base sa talaan ng mga nakalipas na examination.

“1,500 ang expected na examinee this coming March 2023 pero di pa naman yan fix at pwede pang magbago depende sa mga applicants,” sabi ni Cunanan.

Gagamitin para sa professional examination ang Brooke’s Point National High School, at Brooke’s Point Central School naman ang gagamitin para sa sub-professional examination.

Samantala, bibigyan ng CSC ng pagkakataong makapagfile ang mga unrefunded examinee noong March 2020 dahil sa COVID-19.

Maari silang magfile ng kanilang mga requirements simula December 14-21 at 22, hanggang January 11 ng susunod na taon naman para sa mga regular filing.

“Magbibigay kami ng list ng mga unrefunded applicant last March 2020, yong mga applicant natin na di nakapag exam dahil sa COVID at December 14-21 ,2022 ang kanilang schedule of filing,” dagdag pa ni Cunanan.

About Post Author

Previous articleSuspek sa panghoholdap at pamamaril sa Brgy. Bacungan, sinampahan ng kaso
Next article[UPDATED] Expert says metal debris found in Busuanga part of Chinese rocket
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.