Nov 24, 2020

Katutubong Tagbanua natagpuang patay sa ilog ng Bagumbayan

Ayong kay P/Maj. Edgar Salazar, station commander ng Police Station 2, walang nakitang maaring ebidensya ng foul play ang pagkamatay ng biktima na kinilalang si Ariel Lapgis Orkin, isang katutubong Tagbanua na residente ng Aborlan.

Isang katutubo ang natagpuang patay na sa ilog ng Tibag, Barangay Bagumbayan, Puerto Princesa City noong Biyernes.

Ayon kay P/Maj. Edgar Salazar, station commander ng Police Station 2, walang nakitang maaring ebidensya ng foul play ang pagkamatay ng biktima na kinilalang si Ariel Lapgis Orkin, isang katutubong Tagbanua na residente ng Aborlan.

“Doon na lang siya natagpuan sa ilalim ng tubig, nagkaroon ng search sinisid sa ilalim at doon siya nakita. ‘Yong katawan niya matigas na at ‘yong part na ng mukha niya medyo nakain na ng isda. Noong chineck ‘yong katawan, wala namang sign ng struggle o mga sugat sa katawan,” ayon kay Salazar.

Hindi na umano ipina-autopsy ng pamilya ang labi ng nasabing biktima.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry