(Mga larawan mula kay Leovelyn Cacho)

Isang katawan ng sanggol ang natagpuang nakasilid sa isang karton sa Upper Lapu-lapu, Barangay Poblacion sa bayan ng Narra, ngayong Martes ng umaga, September 21.

Sa report ng Narra Municipal Police Station (MPS), 9:30 ng umaga ay nakatanggap ng tawag si P/Maj. Reginal Manalo, hepe ng Narra MPS, mula sa isang nagngangalan na Roger Calso tungkol sa katawan ng sanggol.

Agad na nagpadala ng tauhan si Manalo sa lugar at doon nakita ang nasabing naaagnas nang sanggol na nakasilid sa karton at nabalutan ng mga papel at resibo.

Ayon sa source ng Palawan News, pinag-aaralan ng awtoridad ang mga resibong nakuha sa karton na posibleng maging lead sa kanilang ginagawang imbestigasyon sa maaring pagkakakilanlan nang nagtapon ng sanggol.

- Advertisement -

Previous articleMga magsasaka ng niyog sa bayan ng Taytay tumanggap ng insentibo mula sa PCA
Next articleFaith as a seafarer’s weapon
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.