SAN VICENTE, Palawan — Isang labi ng sanggol na babae ang natagpuan sa magubat na bahagi ng kabundukan ng Sitio Panindigan, Barangay Poblacion noong Abril 26.
Nakita ng isang residente na kinilalang si Nilo Dulot ang katawan ng sanggol hapon ng nasabing araw, at itinawag niya ito kay Brgy. Capt. Cesar Sales.
Ayon sa ulat ni Dulot kay Sales, mga batang nangunguhay ng kahoy panggatong ang unang nakakita sa katawan ng sanggol. Nakita nila ito dahil sa masangsang na amoy na nagmula sa kinaroroonan nito.
Ayon sa post-mortem na isinagawa ni Dr. Mercy Grace Pablico, ang municipal health officer ng San Vicente, full-term na ang sanggol na babae.
“We did a post-mortem exam then kasama din natin ang Municipal Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa site kaya na-facilitate ang paglibing agad sa baby. Estimate natin full-term na ang baby. Yong pag tukoy sa mother ay yong PNP na ang nakakaalam,” sabi ni Dr. Pablico.