New Langogan Bridge. (Grabbed from PN file video)

Natagpuan na bandang alas 4:40 noong hapon ng Sabado, araw mismo ng pasko, ang katawan ni Libertad Morja Refil, 67, na huling napaulat na nawawala sa Purok Everlasting, Barangay Langogan noong kasagsagan ng bagyong Odette.

Si Refil ay natagpuan 4 hanggang 5 kilometro ang layo mula sa Purok Everlasting kung saan ito inanod ng baha noong ika-17 ng Disyembre habang nananalasa ang bagyong Odette na may dalang hangin na 185 kilometers per hour at pagbaha sa ilog sa Langogan.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Mark Llacuna, inanod si Refil matapos tumaas ang tubig sa ilog at umapaw upang salantahin ang maraming mga kabahayan sa lugar. Nakaakyat sa puno ang asawa at ibang kaanak ng biktima, ngunit naiwan ang lola na inabutan ng malakas na agos ng tubig.

“Umakyat sa taas ng niyog ang pamilya niya, asawa nya, [pero] siya hindi nakaalis, inabutan ng baha,” pahayag ni Llacuna. Nailibing na ang kanyang labi.

Previous articleThe Year in Review (Part 1 of 7): Palawan slowly emerges from the pandemic
Next articleOdette damages Puerto Princesa Underground River forest and tourism facilities
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.