Natagpuan na ngayong Biyernes ng umaga ang katawan ng lalaking nahulog at nawala sa ilog ng Sta. Lourdes noong araw ng Miyerkules, September 22.

Ang biktima na kinilalang si Efraim Agustin ay natagpuan sa bahagi ng ilog sa Purok Unang Lahi, tatlong kilometro ang  layo mula sa lugar kung saan ito naaksidente.

Sa pahayag ni Kagawad Beth Sinoy ng Barangay Sta. Lourdes, nakita ng kanyang tauhan sa farm ang katawan ni Agustin mag-a-alas siyete ng umaga.

“Nasa kalagitnaan ng alas sais hanggang alas siyete ng makita siya ng caretaker namin. Kukuha sana siya ng tubig sa ilog at noong papalapit na siya, nakita nya ang katawan ng tao na nakalutang sa gilid,” pahayag ni Sinoy ng makausap ng Palawan News.

- Advertisement -

Si Agustin ay naaksidente habang pauwi na galing sa trabaho noong September 22 kung saan, umangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa barrier ng tulay. Dahil sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang biktima sa ilog at naiwan naman ang kanyang motorsiklo at isang tsinelas.

Sinubukan din na agad hanapin ng mga residente, kasama ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at ilang opisyal ng barangay ang biktima, ngunit hindi na ito natagpuan dahil sa baha ng ilog lakas at malakas na agos ng tubig, dulot ng pag-ulan noong nasabing araw.

Napag-alaman din na nakainom ang biktima, matapos na mapdaan sa bahay ng kasamahan sa trabaho bago naganap ang aksidente. Mabilis din umano ang patakbo ni Agustin ng kanyang motorsiklo at pagewang-gewang ito ayon sa ilang saksi na nakausap ng Palawan News.

Samantala matapos na tumawag ng mga awtoridad si Sinoy ay dumating sa lugar bandang alas 7:30 ang mga tauhan ng PCG para kunin ang katawan ni Agustin.

Previous articleWellness travel and real estate company donates prepaid load cards for WPU students
Next articleEU opens opportunity for Pinoys to study in Europe
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.