Isang katawan ng lalaki ang natagpuan ng mga operatiba ng Coast Guard Station sa bayan ng Roxas na palutang-lutang sa karagatang sakop ng Sta. Cruz Island sa natura din na bayan, dakong 11:45 ng umaga noong araw ng Linggo, Disyembre 26.

Sa ulat ng CGS Roxas, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pagkakakilanlan ang lalaki na isa sa mga napaulat na nawala habang kasagsagan ng bagyong Odette.

“Hindi pa nakikilala, pero naka-suot siya ng green na t-shirt. Yun lang ang meron tayong information sa ngayon,” ayon sa CGS Roxas. Kasama nila sa pag-retrieve ang Bantay Dagat ng Roxas.

Ito na ang ikalimang katawan na na-retrieve ng CGS Roxas sa karagatan matapos ang pananalasa ng bagyo noong Disyembre 17.

- Advertisement -

Sa kabuuan ay umabot na sa siyam ang kumpirmadong nasawi sa nasabing bayan dahil sa bagyong Odette.

Previous articleCloudy skies with scattered rain showers expected over Palawan today
Next articleCity, provincial anti-COVID vaccine storages not affected by power outage
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.