Isang katawan na kinilalang si Rodel Albo Mineng, 39 taong gulang, ang natagpuan ng operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) noong December 12 ng hapon sa West Lalutaya, Barangay Bucana sa bayan ng El Nido.

Ayon sa ulat mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO) sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si P/Maj. Ric Ramos, ang pagkatagpo sa katawan ni Mineng na residente ng Zone 1 sa nasabi rin na barangay ay ipinaalam sa kanila ng PCG. Natagpuan ito na lumulutang sa tubig sa baybayin ng West Lalutaya.

Ang katawan ng biktima na ibinalot sa puting tela. (Photo from Palawan Police Provincial Office)

- Advertisement -

Sa imbestigasyon na isinagawa ng El Nido Municipal Police Station (MPS), lumalaba na noong December 9 ay tumungo sa Sitio Dapila sa Brgy. Teneguiban kasama ang pinsan nito.

Ngunit hindi umano ito bumalik at pagkatapos ay nalaman na lang na natagpuan ang kanyang katawan. Wala ng ibang detalye pa na ibinahagi ang PPO hinggil sa imbestigasyon.

Samantala, isasailalim sa post mortem examination ang labi nito para matukoy ang dahilan ng kanyang pagkasawi.

Previous articleBarry Sumpio: An OFW turned public servant
Next articleMarines dismiss claim female rebel being held against her will
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.