Isang katawan ng lalaki ang natagpuan sa kweba ng Nilotlotan sa Sitio Mamaan, Barangay Tabon, ala una ng hapon noong Biyernes, December 2.

Kinilala ni kapitan Ruthie G. Sumayan ng Brgy. Tabon ang biktima na si Bernie Benedikto.

Ayon sa kanya, sa loob ng Nilotlotan natagpuan si Benedikto matapos makatanggap siya ng text message mula sa isang concerned citizen noong huling araw ng Nobyembre na nagsasabi na may pinatay at itinapon sa loob ng nasabing kweba.

Idinagdag pa niya na ayon din sa nagpadala ng text message, ang mga suspek diumano na pumaslang dito ay sina Ondong Toto, Tantan Olanan, Tarong Romel Toto, at Jelo Todo, na mga nakainuman ng biktima bago ito itinapon sa loob ng Nilotlotan.

“May taong pinatay noong gabi ng Linggo, tinago nila sa loob ng kweba, sa tabi ng spring,” ito diumano ang ipinadalang text ayon kay Sumayan.

Hanggang sa isinusulat ang balita na ito ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Quezon municipal police kaugnay sa pangyayari.

About Post Author

Previous articleNPC to build 10 new power plants in Palawan by 2023
Next articlePalawan declared as insurgency-free province
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.