Isang katawan ng lalaki ang natagpuan noong umaga ng Linggo, October 17, sa harap ng Children’s Park sa Barangay Poblacion sa bayan ng Narra, ayon sa update ng Palawan Police Provincial Office (PPO).

Sa update na ini-release ng PPO umaga ngayong Lunes, October 18, sinasabi ng imbestigasyon na ang lalaki ay kinilalang si Raymundo Gregorio Panganiban, 50, na sinasabing dispatcher ng mga tricycle sa lugar at residente ng Purok Matatag, Barangay Panacan 2 sa Narra.

Retrieval nang natagpuang katawan ng lalaki sa Barangay Panacan sa bayan ng Narra. (Credit to the owner)

Ayon sa mga saksi, nakita si Panganiban na nakahiga sa isang kubo at itinawag ito sa opisyales ng barangay. “Lagi na ito siya[ng] natutulog dito, tulugan niya na ito. Kagabi lang kasi lasing yan siya,” ayon sa isang saksi.

Sabi ng PPO, ang lugar kung saan nakita ang katawan ni Panganiban ay isang fruit stand. Ayon diumano sa pamilya nito, ito ay may history ng epilepsy at heart failure.

- Advertisement -

Ayon pa sa PPO, humiling na ng autopsy ang Narra MPS para malaman pa kung ano talaga ang sanhi ng kamatayan nito.

Previous article“Golden Rice” tastes, smells like regular rice, but more nutritious
Next articleRT-PCR test exemption for fully vaxxed domestic visitors pushed in some provinces, including Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.