Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Tatay, 8:30 ng umaga, araw ng Lunes, October 25.

Ang lalaki ay kinilalang si Ricardo Suarez Castroberde, 49 taong gulang, at residente ng nabanggit na lugar.

Agad namang dinala ng rumespondeng tauhan ng Taytay Municipal Police Station (MPS) ang bangkay ng lalaki sa Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) at nakipag-ugnayan sa Taytay Rural Health Unit para i-autopsy ang bangkay upang malaman ang sanhi ng ikinasawi nito.

Ang lalaki ay kinilalang si Ricardo Suarez Castroberde, 49 taong gulang.

Sa paunang imbestigasyon, nakita na lang ng isang residente ang walang buhay na lalaki sa tabing dagat noong Lunes ng umaga.

- Advertisement -

Ang lalaki ay sinasabing huling nakita ng kanyang anak at may hawak na bote ng alak sa nasabing lugar, dakong 8:00 ng gabi noong Linggo.

Previous articleWanted na lalaki dahil sa direct assault, arestado sa Quezon
Next articleTatlong indibidwal sugatan sa aksidente sa Narra