Hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng lalaking sinasabing nalunod habang naliligo sa Tagkawayan Beach sa Barangay Bacungan, alas dos nang hapon noong Enero 2.

Ang nawawala ay kinilala na si Felix Cabantog, 43. Sa report ng Coast Guard District Palawan (CGDPal) kasama nitong naliligo ang mga kaibigan na sila Eliong Lastimado, at Rickly Cataluna noong araw na ito ay mawala.

Ayon sa commander ng CGDPal na si Cpt. Angel Viliran, mabilis na pinuntahan ni Cataluna si Cabantog na nakikita nitong nalulunod, at sinubukang hilahin ang kamay nito, ngunit sa lakas ng alon ay nahirapa siya. Nabitiwan umano niya ang kamay ni Cabantog kaya mabilis siyang tumawag ng tulong.

Aniya, agad namang nagsagawa ng sunod-sunod na search and rescue operation ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station ng Honda Bay, ngunit bigo sila na makita si Cabantog hanggang sa isinusulat ang balitang ito.

Ito ang kauna-unahang insidente ng pagkalunod pagpasok ng taong 2022.

About Post Author

Previous articlePPSRNP inventories trees destroyed by Typhoon Odette
Next articlePAGASA: Generally pleasant weather throughout the country on Friday
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.