- Advertisement by Google -

Natagpuan ng mga awtoridad sa baybayin ng Barangay Pancol, Taytay, ang katawan ng isang lalaki bandang 11:30 kahapon ng umaga, July 2.

Ayon sa ulat mula sa Police Provincial Office (PPO), ang biktima ay si Ernesto R. Rafael, 40 taong gulang, residente ng Brgy. Old Guinlo sa nasabing munisipyo.

Positibo siyang kinilala ng mga opisyales ng Pancol sa isinagawang imbestigasyon ng mga personnel ng Taytay Municipal Police Station (MPS).

Natagpuan ang kanyang katawan na palutang lutang sa baybayin ng nasabing barangay. Hinihinalang nangyari ang trahedya sa kanya matapos aksidenteng mahulog sa tubig at malunod dahil sa kalasingan, ayon pa sa report.

- Advertisement -

Ngunit ayon pa sa ulat ng PPO, dinala ang labi nito sa Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) para sa post-mortem examination.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleEDITORIAL: Economics 101 for the incoming administration
Next articlePuerto Princesa invites tourists to experience Sabang Mangrove Paddle Boat Tour