Imahe mula sa Barangay Tiniguiban.

Isang katawan ng sanggol na babae ang natagpuan malapit sa tumpok ng basura sa Purok San Franacisco I, Baragay Tiniguiban, Linggo ng umaga.

Tinatayang 7 buwan na ang fetus na wala nang buhay. Natagpuan ito ng mga residente pasado alas sais ng umaga.

Sa panayam ng Palawan News kay Barangay Captain Jocelyn Serna, naitawag ito sa kanila habang sila ay nagsasagawa ng coastal clean-up sa baybayin ng Purok Sandiwa.

“Mga 6:30 tumawag sa amin ang Purok President, noong tumawag siya nasa Purok Sandiwa kami para sa coastal clean-up ‘yon pumunta kami doon mga 6:56,” ayon kay Serna.

Sa palagay ni Serna ay itinapon ang sanggol sa basurahan

“Pagdating namin doon nakita namin ‘yong fetus sa may tumpok ng basura, para bang nalaglag lang noong nakita natin. Baka hindi naisama sa mga nahakot ng solid waste. Parang punong-puno na yong basurahan tapos kinuha na ng solid waste yong basurahan, sa pananaw ko lang nalaglag siya hindi siya naisama sa nahakot na basura,” dagdag niya.

Sabi ni Serna, wala silang ideya kung sino ang nag-iwan sa sanggol. Nagtanong-tanong na rin sila at wala naman din namang makapagturo sa nagsilang nito.

“Wala kaming idea kasi wala pong mag-amin nagpapa-imbestiga po kami ngayon kung kanino yong baby pero sabu ng Purok President namin, nagpaimbestiga na rin daw siya, walang mga buntis doon sa mga boarding houses kasi mga boarding houses ýon e, wala naman din daw mga buntis na nanganak na o manganganak pa lang,” sabi ni Serna.

“Tingin ko nasa 7 months na kasi kumpleto na siya, may mga kamay na kaya lang ýong itsura niya parang nakadikit pa pero kumpleto na po siya. Katatapon lang sa kaniya kasi sariwa pa ýong dugo niya. Sigruo taga doon lang yong kasi ang layo naman kung doon niya lang itinapon hindi naman basurahan ýon may nakatumpok lang, kasi sa harapan ng bahay ýon,” dagdag pa niya.

Nakipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad at nag-iimbestiga na rin upang malaman ang pagkakakilanlan ng ina nito o kung sino ang nasa likod ng pagtapon ng sanggol. Titingnan din nila ang mga CCTV footage para malaman kung may nakuhanan itong makakapagturo sa naglagay doon ng sanggol.

Matapos makuha sa lugar, kanila itong dinala sa ospital para matingnan at naililbing na rin sa old cemetery.

“Kinuha namin ang fetus, inantay lang namin yong SOCO para makakuha sila ng result, pinabendisyonan naming sa simbahan sa Sta. Monica tapos dinala sa ONP bago tiningnan ng doctor natin doon bago dinala natin sa old cemetery para mailibing,” saad ni Serna.

 

About Post Author

Previous articlePag-IBIG urges members to do virtual transactions
Next articlePhone interview para sa pre-assessment ng PSU students sa S. Española
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.