- Advertisement by Google -

Natagpuan Martes ng umaga ang katawan ng isang 82 taong gulang na babae sa baybayin ng Purok Damayan, Barangay Panacan 2 sa bayan ng Narra, ayon sa ulat ng Police Provincial Office (PPO) sa Palawan.

Ang biktima ng posibleng pagkalunod ay si Rosalita Combras Noquera, residente ng Brgy. Poblacion sa natura rin na bayan, na hinihinalang natumba o di kaya ay nahulog dahil sa diabetes, hypertension, at mild stroke.

Ayon sa pahayag sa awtoridad ng anak nitong babae na hindi na pinangalanan, daily routine ng kanyang nanay na tumungo sa tabing dagat kada umaga sa Purok Damayan. Ngunit maaaring dahil sa high tide ay nawalan ito ng balanse kaya natumba at napunta sa dagat.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleWESCOM promotes regional peace; naval diplomacy at work
Next articleResolusyon sa paggamit ng wikang Pilipino sa Agosto, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan