Home NEWS OF THE DAY Katawan ng 53 anyos na mangangalakal, natagpuan sa abandonadong tindahan

Katawan ng 53 anyos na mangangalakal, natagpuan sa abandonadong tindahan

2
0

Isang 53 anyos na lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang abandonadong tindahan, alas singko ng Lunes ng umaga, sa Barangay Tagumpay, Puerto Princesa City.

Kinilala itong si Victor Cuenco, mangangalakal, at residente ng Brgy. Bancao-Bancao dito rin sa lungsod.

Ayon kay Kgd. Eduardo Maca ng Brgy. Tagumpay, isang kasamahan nilang kagawad ang napadaan sa tindahan na dating Manukang Bayan ng umaga ng February 8 at nakita ang wala nang buhay na si Cuenco.

“Mga 5-5:30 a.m. siya nakita na ganyan dyan sa loob. Actually, Sabado pa napansin na namin na iba na ang kundisyon niya. Pinapuntahan na din namin sa anti-crime,” pahayag ni Maca.

Ayon pa kay Maca, lagi na nilang sinisilip ang biktima sa lugar para alamin ang kundisyon nito at ang huli nga ay Lunes ng umaga kung saan nakita na itong nakadapa at patay na.

Aniya, si Cuenco ay madalas na nasisita ng Anti-Crime Task Force (ACTF) na kasama ang isa pang kaibigan na umiinom sa ilang mga gilid ng kalsada dito sa lungsod.

“Madalas yan nasisita dito na maaga pa lang kung saan-saan umiinom. Sa Rizal Avenue, minsan dyan sa may Burgos,” pahayag ni Maca.

 

 

 

Previous articleDOLE-Palawan still waiting for funds from Bayanihan 2 law
Next articleBackride Palawan told to stop operation, get legal papers first
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.